fear

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan,     ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway.

Mga Kawikaan 1 : 7

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan,     ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.

Mga Kawikaan 9 : 10

Ang mahirap na gumagalang at sumusunod kay Yahweh,     ay mas mainam kaysa mayamang panay hirap naman ang kalooban.

Mga Kawikaan 15 : 16

Ang taong may unawa ay lumalayo sa kasamaan,     ngunit ang mangmang ay napapahamak dahil sa kapabayaan.

Mga Kawikaan 14 : 16

Dahil dito, kayo'y aking tatawanan,     kapag kayo'y napahamak, nasadlak sa kaguluhan.

Mga Kawikaan 1 : 26

Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan,     kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang.

Mga Kawikaan 1 : 29

Kapag kayo ay hinampas ng bagyo nitong buhay,     dinatnan ng kahirapan, ipu-ipo ang larawan,     at kung datnan kayo ng hapis at matinding dalamhati,

Mga Kawikaan 1 : 27

malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh,     at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.

Mga Kawikaan 2 : 5

Ngunit ang makinig sa akin, mananahan nang tiwasay,     mabubuhay nang payapa, walang katatakutan.”

Mga Kawikaan 1 : 33

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay,     ang gumawa nito'y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.

Mga Kawikaan 19 : 23