fear

Ililigtas ka niya sa dilang mapanira,     at di ka matatakot sa kapahamakan.

Job 5 : 21

at kung dahil sa takot sa iba at sa kanilang pagkutya,     ako ay nanahimik at di na nagpakita.

Job 31 : 34

Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan;     sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay,     sino pa ba ang aking kasisindakan?

Mga Awit 27 : 1

Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan,     wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

Mga Awit 23 : 4

Ang pagsunod at paggalang kay Yahweh'y simula ng karunungan.     Taong masunurin, pupurihing lubos. Purihin ang Diyos magpakailanman!

Mga Awit 111 : 10

Kayong lingkod ni Yahweh, siya'y inyong purihin!     Kayong lahi ni Jacob, siya'y inyong dakilain,     bayan ng Israel, luwalhatiin siya't sambahin!

Mga Awit 22 : 23

Ngunit dahil sa iyong dakilang pagmamahal,     makakapasok ako sa iyong tahanan; ika'y sambahin ko sa Templo mong banal,     luluhod ako tanda ng aking paggalang.

Mga Awit 5 : 7

Takutin mo, O Yahweh, ang lahat ng bayan,     at iyong ipabatid na sila'y tao lamang. (Selah)

Mga Awit 9 : 20

Sa maraming kalaba'y di ako matatakot,     magsipag-abang man sila sa aking palibot.

Mga Awit 3 : 6

Ginawa mo'y pupurihin sa dakilang kapulungan,     sa harap ng masunurin, mga lingkod mong hinirang,     ang panata kong handog ay doon ko iaalay.

Mga Awit 22 : 25