love

Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay,     makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Mga Kawikaan 18 : 21

“Taong mangmang, walang hustong kaalaman,     hanggang kailan ka tatagal sa abâ mong kalagayan? Hanggang kailan ka mananatili sa iyong kamangmangan?     Kailan mo pa iisiping maghanap ng kaalaman?

Mga Kawikaan 1 : 22

Huwag mo itong pabayaan at ika'y kanyang iingatan,     huwag mo siyang iiwanan at ika'y kanyang babantayan.

Mga Kawikaan 4 : 6

Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibig     kaysa isang matabang baka na inihaing may galit.

Mga Kawikaan 15 : 17

Kaibig-ibig sa isang tao ang kanyang katapatan,     higit na mainam ang mahirap kaysa isang bulaan.

Mga Kawikaan 19 : 22

Ang gumagawa ng masama ay mapapahamak,     ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y pagkakatiwalaan at igagalang.

Mga Kawikaan 14 : 22

Ang haring tapat at makatarungan     ay magtatagal sa kanyang luklukan.

Mga Kawikaan 20 : 28

Ang sa aki'y nagmamahal binibigyan ko ng yaman,     aking pinupuno ang kanilang mga sisidlan.

Mga Kawikaan 8 : 21

Mabait siya at mahinhin, babaing kaakit-akit,     ligaya mo'y nasa kanya sa pitak ng kanyang dibdib.

Mga Kawikaan 5 : 19

Halika at bigyang daan, damdamin ng isa't isa,     ang magdamag ay ubusin sa paglasap ng ligaya.

Mga Kawikaan 7 : 18