fear
Sinabi niya sa akin, “Ikaw na labis na minamahal, huwag kang matakot. Ipanatag mo ang iyong kalooban at magpakatapang ka.” Pagkatapos niyang magsalita, tuluyan nang nagbalik ang aking lakas.Sinabi ko, “Magpatuloy kayo, ginoo, at naibalik na ninyo ang aking lakas.”
Iniuutos ko sa lahat ng aking mga nasasakupan na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel. “Sapagkat siya ang Diyos na buháy, at mananatili magpakailanman. Hindi mawawasak ang kanyang kaharian, at mananatili habang panahon ang kanyang kapangyarihan.
Pagkatapos, magbabalik-loob sila kay Yahweh na kanilang Diyos at kay David na kanilang hari. Sa mga huling araw, nanginginig silang lalapit kay Yahweh at malalasap nila ang kanyang kabutihan.
Matatakot at mananaghoy ang mga taga-Samaria dahil sa pagkawala ng mga guya sa Beth-aven. Ipagluluksa ito ng sambayanan; mananangis pati mga paring sumasamba sa diyus-diyosan, dahil sa naglaho nitong kaningningan.
Ngayon nama'y sasabihin nila, “Wala kaming hari, sapagkat hindi kami sumasamba kay Yahweh. Ngunit ano nga ba naman ang magagawa ng isang hari para sa amin?”
Kapag umungal ang leon, sino ang hindi matatakot? Kapag nagsalita ang Panginoong Yahweh, sinong hindi magpapahayag?
Sumagot si Jonas, “Ako ay isang Hebreo at sumasamba ako kay Yahweh, ang Diyos ng kalangitan na lumikha ng dagat at ng lupa.”
Mainam ang magkaroon ng takot kay Yahweh. Ito ang kanyang panawagan sa lunsod: “Makinig kayo, bayang nagtitipun-tipon sa lunsod!
Gagapang silang parang mga ahas; nanginginig silang lalabas mula sa kanilang mga tanggulan. Takot na lalapit sila kay Yahweh na ating Diyos.
Ang reyna ay dinalang-bihag, kaya't dinadagukan ng mga lingkod ang kanilang dibdib. Sila'y nag-iiyakan, gaya ng mga kalapating nananaghoy.

